Mga whistle blower sa isyu ng MRT-3, naglulutangan na- Malakanyang

Hawak na ngayon ng gobyerno ang ilang whistleblower na naghahayag ng anomalya laban sa mga dating opisyal ng Aquino administration na sangkot sa sunud-sunod na palpak na operasyon sa Metro Rail Trainsit o mrt -3.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, nagbibigay na ng testimonya ang mga whistleblower at kinukumpleto na ang documentary evidence.

Sinabi ni Roque na inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Solicitor General Jose Calida na pag-aralan ang pagsasampa ng kasong plunder laban kina dating Transportation Secretaries Mar Roxas, Joseph Emilio Abaya at dating Budget Secretary Butch Abad dahil sa pagbibigay ng kontrata sa BURI kahit na walang kaukulang track record ang kumpanya.

Inihayag ni Roque base sa testimony ng mga whistleblower nagkaroon ng hatian ang mga dating opisyal ng Department of Transportation sa kontratang pinasok ng gobyerno sa kompanyang BURI.

Batay sa nakalap na testimonya mayroong  tinatawag na Pangasinan group sa Department of Transportation kung saan one third ng kabuuang binabayad na kontrata ng gobyerno ang napupunta sa grupo habang ang isang one third ng kontrata ang napupunta naman sa political machinery at ang natitirang one third ang ginagamit para sa maintenance ng MRT- 3.

Niliwanag ni Roque hindi malabo na pumapalpak ang operasyon ng MRT dahil one third na lamang ang totoong napupunta sa maintenance habang ang iba ay nakukurakot.

Umaasa si Roque na dahil sa testimonya ng mga whistleblower unti-unti nang magkakaroon ng linaw kung paano pinagpiyestahan ang MRT dahilan para maghirap ang mga mananakay nito.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *