Mga work place, pinagmumulan rin ng transmission ng COVID-19
Hindi lang umano sa mga komunidad o sa mga bahay nangyayari ang transmission ng COVID- 19, kundi maging sa mga lugar ng paggawa o workplace.
Ayon kay Nikka Hao, Direktor ng Disease Prevention and Control Bureau ng Department of Health, batay sa kanilang imbestigasyon nangyayari ito halimbawa sa mga pantry o canteen kung saan nagsasama sama ang mga empleyado para kumain o di kaya ay mga social gatherings.
Kaya naman para maiwasan ito, payo ni Hao, kapag papasok sa trabaho ay mabuting magbaon nalang ng sariling pagkain at kumain sa kanilang work stations.
Pwede rin naman aniyang maglagay ng dividers sa pantry o limitahan ang mga papasok rito at tiyaking well ventilated ito.
Kung kailangan naman aniyang magsagawa ng mga meeting, mas makabubuti kung limitado lang ang mga tao sa loob ng kwarto at siguruhin na well ventilated din ito.
Madz Moratillo