Mga work-related disorders na dapat malaman ng isang trabahador o nagtatrabaho
Napakahalaga na pangalagaan ang katawan lalo na at nagtatrabaho.
Kaya naman, nakatutuwa na sa kasalukuyan, conscious na ang marami nating mga kababayan pagdating sa kanilang kalusugan.
Batay sa Occupational Safety and Health Center o OSHC, may tatlong uri ng work related disorders na dapat malaman ng tao lalo na at siya ay nagta trabaho upang maingatan ang kanyang katawan.
Kabilang sa work related disorders na madalas na maiulat sa OSHC ay musculo-skeletal disorders o ang mga sakit sa kalamnan at buto.
Ang halimbawa nito ay pananakit ng likod, balikat leeg at braso.
Isa pang work related disorders ay ang Occupational Lung disease tulad ng Asbestosis, o yung pamamaga ng baga dahil sa pagkakalanghap ng Asbestos at Silicosis naman sanhi ng Silica dust.
Ang mga nabanggit ay nakukuha ng isang trabahdor sa chemical at fumes na nalalanghap nila lalo na sa mining at Quarrying industries.
Ang huli ay ang lifestyle-related disorders na nakukuha sa malabis na pag inom ng alak, paninigarilyo at pagkain sa fast food.
Kabilang sa tinatawag na lifestyle disorders ay mataas na blood pressure at sakit sapuso.
Binibigyang- diin ng OSHC na nararapat lang umano na may katumbas na bilang ng safety officer ang bawat kompanya batay sa dami ng manggagawa at sa uri ng industriyang kinabibilangan nito.
Ayon pa sa OSHC, kinakailangang sumailalim ang mga Safety officer sa iba’t-ibang pagsasanay dahil sila ay hahanapan ng Department of Labor and Employment ng certification ng mga Labor inspector.
Ulat ni Belle Surara