MIAA inaasahan ang lalo pang pagdagsa ng mga biyahero sa mga paliparan sa bansa
Dagsa na ang mga pasahero sa mga terminal ng Ninoy Aquino International Airport.
Ayon sa Manila International Airport Authority, mula lamang December 1 hanggang 15 pumalo na sa 1.6 million ang bilang ng mga pasahero na pumasok at lumabas sa NAIA.
Inaasahan naman ni Senior Assistant General Manager, MIAA Bryan Co na papalo sa 120 hanggang 130 thousand ang mga pasahero kada araw.
Kaya parta aniya maiwasan ang congestion sa mga terminal, inalis na ng MIAA ang vehicle inspection pagpasok ng mga terminal at inalis narin ang mga xray machines pagpasok ng terminal mula Terminal 1 hanggang Terminal 4 .
Alinsunod rin aniya ito sa International Airport Standards .
Inatasan na rin ang mga airline companies na tiyaking may sapat na ground staff para sa check in at queing ng mga pasahero at maiwasan ang mga delay sa mga biyahe.
Sa ngayon unti unti na aniya nilang sinosolusyunan ang mga problema sa mga terminal katulad ng lumang mga airconditiing unit kaya madalas mainit at ang kakulangan ng mga public utility vehicle palabas ng paliparan.
Meanne Corvera