Microgreens, ano nga ba ito?

Mahilig ba kayong kumain ng gulay? Kung oo, maaari rin ninyong subukan ang microgreens? Sa programang Shoppers’ Talk, nakapanayam natin si Robert Almiro ng Microgreens Philippines.

Ayon kay Robert Almiro, ang microgreens ang mga gulay na madalas nating kinakain. Nabibiling nasa uri ng young vegetables. Lagi nating naririnig na kumain ng gulay dahil sa ito ay maganda sa katawan, dahil sa good nutrients, pero, alam ba ninyo na ang microgreens ay mas mataas ang content ng nutrients na makukuha? Imagine, nasa stage pa lang na papalaki ang gulay, lahat ng nutrients ay nanduon na.

Courtesy: Microgreens Philippines


Dahil dito naitanong natin kung ang stage na ito ay tulad ng sa sprout o toge? Ipinaliwanag niya na kapag sinabing sprout kasama ang ugat, habang ang microgreens hindi kasama ang ugat.
Naikuwento niyang nakahiligan niya ang pagtatanim ng gulay dahil mahilig siyang kumain nito at dahil na din sa nangyaring pandemya.

Samantalang ang kanyang misis ay nagtatanim ng mga ornamental plant. Kaya naisip niyang bakit hindi magtanim ng puwedeng kainin. Angkop sa lugar na puwedeng ilagay sa paso o vase.
Dito nagsimula ang konsepto ng microgreens.

Ang tipikal na pagtatanim ay aabutin ng 3-4 months bago anihin, habang ang microgreens ay 7-10 days puwedeng anihin. Ang kagandahan nito ay puwedeng mamili ng variety o mga gulay na gusto mong itanim at the same time madaling pakinabangan. Unlike sa tipikal na pagtatanim nariyan ang pangambang baka pestehin o bagyuhin. Habang sa kanila ay indoor farming, sa loob ng bahay.

Ang challenge dito ay since indoor ang pagtatanim, ikaw ang magbibigay ng kapalit na akmang environment, anong ibig sabihin nito? Ikaw ang magbibigay ng sunlight, soil nutrients, dahil ang sistema na pagtatanim ay iyong tinatawag na hydroponics. Ibig sabihin hindi gumagamit ng lupa. Gumagamit ng water nutrient solution.

Idinagdag niya na nakadepende ang nutrient solution sa kung anong halaman ang itinanim. Halimbawa, kung ang halaman ay malakas kumunsumo ng calcium, ito dapat ang component ng water solution o nutrient solution.

Naitanong natin kay Mr. Robert ang tungkol sa lasa nito? Ang sagot niya hindi kasing lasa ng counterpart niyang malaking gulay, tulad ng broccoli hindi kasing lasa nito ang maliit na brocolli, nagkakaroon ng ibang distinct flavour at the same time alam mong mataas ang nutritional
content ng microgreens.

Inihalimbawa niya sa pagkain ng manok at kumain ka nang balut. Maliit ang balut pero alam mong mataas ang nutrients kumpara sa kumain ka ng manok. Bakit mahalaga na kumain ng microgreens? Magandang kainin ito dahil sa kahit maliliit na portion ay makasasapat sa daily requirement nutrients na kailangan ng ating katawan.
-30-

Courtesy: Microgreens Philippines
Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *