Microsoft nagbabala tungkol sa mapaminsalang malware na nadiskubre sa Ukrainian computer systems
Nadiskubre ng Microsoft ang mapaminsalang malware na may kakayahang burahin ang datos sa dose-dosenang Ukrainaian computer systems
Ayon sa Microsoft Threat Intelligence Center (MSTIC), una nilang natuklasan ang malware sa systems sa Ukraine noong Huwebes na nagsasagawa ng “spanning” sa multiple government, non-profit at information technology organizations na naka-base sa bansa.
Hindi man na-assess ng Microsoft ang layunin o origin ng malware, sinabi ng team na alam nila ang “ongoing” geopolitical events sa Ukraine, dahil ang Russia ay naglagay ng libo-libo nilang military troops sa border ng Russia at Ukraine, at nagbabala na ang malware ay kumakatawan sa isang mas mapanganib na banta sa alinmang government agency, non-profit o enterprise na nasa Ukraine.
Kaugnay nito ay hinimok ng Microsoft ang lahat ng mga organisasyon na agad magsagawa ng “thorough investigation” at magpatupad ng defenses gamit ang impormasyon na kanilang ipinost.
Ayon sa Microsoft . . . “The computer code was designed to appear similar to ransomware but lacked features of ransomware that allow the perpetrators to extract a ransom and was inconsistent with cybercriminal software activity.”
Ang pagkakadiskubre ay naganap nang ang ilang Ukrainian government websites ay ma-hack noong Huwebes at Biyernes, at pinalitan ng mga mensahe na nakasaad na nakompromiso ang Ukrainian data.
Sinabi naman ng mga opisyal na walang personal data na nag-leak sa nangyaring hacking.
Karamihan sa mga hack ay lumilitaw na may kaugnayan sa single software provider na Kitsoft na ayon sa report ay nagsasabing tumutulong ito sa government websites na mag-restore ng connectivity.