Mighty Corporation, handang bayaran ang utang na buwis sa gobyerno – Aguirre

Nakahanda ang Mighty Corporation na magbayad ng ₱3B  sa gobyerno kaugnay sa mga tax liability nito dahil sa paggamit ng mga pekeng tax stamp sa mga pakete ng sigarilyo nito

Ito ang kinumpirma ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre.

Pero kailangan pa rin anyang sampahan ng pormal na kaso ng pamahalaan ang kumpanya bago maaring gawin ang kagustuhan ng Pangulo na pagbayarin ang Mighty Corporation.

Sa oras na umusad na ang kaso laban sa Mighty Corp., pwedeng ipasok sa kompromiso ang obligasyon ng nasabing kumpanya na pinapayagan naman  sa ilalim ng batas.

Hindi anya maaring basta na lang ibigay ng Mighty ang ₱3B sa mga pinangalanang ospital ng Pangulo dahil lalabas itong donasyon.

Ulat ni: Moira Encina

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *