Migraine, iniuugnay sa sakit sa puso, ayon sa bagong pag-aaral
Ang migraine ay itinuturing na headache disorder na may sintomas na matinding pagpintig ng pulso, pagkahilo, at pagiging sensitibo sa ilaw at tunog.
Batay sa bagong pag-aaral sa Denmark, ang mga taong nakararanas ng migraine ay maaring magdulot o maging sanhi sa pagkakaroon ng problema sa Cardiovascular.
Maaari umanong magdala ito ng panganib sa puso kabilang ang heart attack, stroke, atrial fibrillation at blood clot.
Payo ng mga eksperto, kung nararanasan ang pagsakit ng ulo sa alinmang bahagi ng ulo, ikunsulta ito sa manggagamot.
Ulat ni Belle Surara
=== end ===
Please follow and like us: