Migraine, isang malubhang sakit na hindi dapat balewalain – ayon sa mga eksperto

Hindi dapat binabalewala ang Migraine headache…

Ito ang naging pahagay ng mga health experts kaugnay sa pagdiriwang ng International Migraine Awareness week.

Ang migraine ay isang neurological condition at isang malubhang sakit.

Ito ay parang tumitibok-tibok na pakiramdam sa isang bahagi ng ulo.

Ayon sa isang pasyente na si Ms. Christine Joy Fajardo, kapag inaatake siya ng migraine ay nagtatawag na siya ng atensyon ng ibang tao upang hilutin ang ulo niya

“Dumating na ko sa point na talagang hinahampas ko yung ulo ko sa dingding kasi feeling ko pag ginaganun koay nababawasan ang sakit”.

Christine Joy Fajardo, Migraine patient

Ayon naman kay Dr. Regina Macalintal-Canlas, Presidente ng Philippine Headache Society, mahalagang uminom ng medications ang isang dumaranas ng migraine.

“But good now we have symptomatic and preventive medications. But the most important is when you take Propylactic or preventive medication which we advise to patients to lessen the frequence of headaches particulary those who experience 3 to 4 headaches a month.”.

Dr. Regina Malacalintal-Canlas, President, Philippine Headache society


Ayon naman kay Dr. Martha Lu-Bolanos, head ng Headache Council ng Philippine Neurological Society na sa ngayon may mga gadgets nang ginagamit na pang lunas sa migraine.

Kadalasan kapag nakararanas ng migraine…ito ay may  kasamang pagkahilo, at pagsusuka.

Bukod dito,  ayaw ng migraine sufferers  ang maliwanag at maingay  na kapaligiran

Maaari itong tumagal nang ilang oras lamang ngunit maaari ring abutin ng ilang araw.

Ulat ni Belle Surara

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *