Migrant home-based caregivers at household service workers sa Taiwan may dagdag sweldo
Inaprubahan ng Labor Ministry ng Taiwan ang dagdag sahod para sa migrant home-based caregivers at household service workers doon.
Ayon kay Labor Attache Cesar Chavez Jr. ng Philippine Overseas Labor Office sa Taipei, kasama sa mga makikinabang rito ay mga Filipino na nagtatrabaho sa Taiwan.
Dahil dito, mula sa NT$17,000 (Taiwan Dollars) o katumbas ng US$565, aabot na ngayon sa NT$20,000 (Taiwan Dollars) na o US $665 ang buwanang sahod doon.
Nabatid na 2015 pa mula nang huling magpatupad ng wage hike sa Taiwan para sa nasabing sektor.
Epektibo ang bagong wage hike simula noong Agosto 10 pero ang mga dayuhang manggagawa na pumirma bago ng nasabing petsa ay hindi sakop ng bagong rate.
Madelyn Villar-Moratillo