Militar, hindi lalahok sa Revolutionary government…tiniyak na walang nangyayaring recruitment sa kanilang hanay
Hindi kakagat ang militar sa isinusulongna Revolutionary government ng mga tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa pagdinig ng Commission on Appointments, tiniyak ni Major General Antonio Parlade, hepe ng Southern Luzon command na maninindigan sila sa itinatakda ng Saligang Batas.
Hindi aniya pahihikayat ang militar sa anumang panawagang Revolutionary government at sinusuportahan ng militar ang mga ginagawang reporma ngayon ng gobyerno.
“I don’t believe in a revolutionary government. We have existing mechanisms, we have a Constitution that is really robust. It really needs some reforms, there are provisions in the Constitution that are obsolete, that is what we should look at”. – Major Gen. Antonio Parlade
Naniniwala si Parlade na posibleng dismayado lang ang ang grupong ito sa mabagalna reporma sa gobyerno pero dulit ito ng ilang Constituional constraints.
Gayunman hindi ito mareresolba sa pamamagitan ng revolutionary government kundi sa pamamagitan ng legal na aksyon o sa mga lehislayon.
Pagtiyak ng militar walang nangyayaring recruitment sa kanilang hanay para sumuporta o makiisa sa isinusulong na revolutionary government.
Samantala, lumusot na sa CA ang promotions nina Parlade at Tolentino kasama ang 13 Heneral ng Sandatahang Lakas.
Walang humarang o tumutol nang isalang ang kanilang kumpirmasyon.
Ulat ni Meanne Corvera