Militar kinumpirma ang pagpasok ng mga Chinese vessel sa Ayungin at Panatag shoal

Kinumpirma ng militar na ilang Chinese vessel ang namataan malapit sa Ayungin at panatag shoal sa West Philippine sea.

Ayon kat AFP Chief of staff Noel Clement, isa hanggang dalawang barko ang namataan ng mga sundalo, apat hanggang limang kilometro sa Ayungin shoal na pawang mga fishing vessel.

Pero gaya ng mga nakalipas na insidente, wala aniyang komunikasyon ang mga Chinese ships sa mga sundalong nagbabantay sa teritorong sakop ng Pilipinas.

Sa report ng Asia Maritime Transparency Initiative, nito lamang September 26, namataan ang 14 na CCG vessels.

Sinabi ni Clement na naireport na nila ito sa Task Force West Philippine sea at Department of Foreign Affairs.

Kinukumpirma na lamang aniya kung humingi sila ng permiso para pumasok ang mga barko para pumasok o dumaan sa karagatang sakop ng teritoryo ng Pilipinas bago makapaghain ng panibagong Diplomatic protest laban sa China.

Ayon kay Defense secretary Delfin Lorenzana may kasunduan na sila ng Chinese Ambassador sa Pilipinas na agad irereport ang pagpasok ng mga sasakyang pandagat ng China.

Manu-mano na rin aniya ang ginagawang monitoring ng mga sundalo lalu’t madalas na pinapatay ng mga Chinese vessel ang kanilang radar pagpasok sa territorial waters ng bansa.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *