Militar umaming nagrekomenda ng Martial Law hanggang Disyembre
Ang militar ang nagrekomenda kay Pangulong Duterte na palawigin hanggang Disyembre ang Martial Law sa Mindanao.
Sa security briefing na isinagawa sa mga Senador, sinabi ni AFP Chief of Staff Eduardo Ano na nagkalat pa rin sa Mindanao ang mga teroristang grupong kasabwat ng Maute.
Nais rin aniya nilang makatiyak na hindi na mauulit ang nangyaring pagsalakay ng grupong Maute sa iba pang lalawigan sa Mindanao.
Depensa naman ni National Securiry Adviser Hermogenes Esperon, mahalaga ang pag iral ng Martial Law para mabilis na matapos ng gobyerno ang rehabilitasyon at maibalik ang peace and stability sa Mindanao.
Kasama aniya sa pagbabalik ng peace and order ang konstruksyon ng mga gusali, tulay, kalsada at mga tanggapan ng gobyerno na nawasak dulot ng bakbakan.
Ang mga Senador nakumbinse naman sa paliwanag ng security forces ng gobyerno.
Pero hindi ito nangangahulugan na papaboran na nila ang limang buwang Martial rule sa Mindanao.
Ayon kay Sen. Richard Gordon naiintidihan nila ang hirit ng Palasyo para mas mapabilis ang trabaho lalo na sa recovery operations ng buong Marawi na nawasak dulot ng bakbakan pero dadaan pa ito sa mahabang debate.
Hinihingi rin ang mga Senador ang detalye sa militar kung ano ang gagawing mga hakbang sa loob ng limang buwang Martial Law.
Ang oposisyon sinusuportahan ang Martial Law dahil sa matagumpay na implementasyon.
Bilang katunayang walang naitalang anumang mga pag-abuso o anumang human rights violations.
Ulat ni: Mean Corvera