Militarisasyon ng China sa mga pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea kasalanan ng nagdaang administrasyon ayon sa Malacañang
Hindi dapat na isisi ng oposisyon sa Duterte administration ang ginagawang militarisasyon ng China sa mga pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na bago pa man maupo si Pangulong Rodrigo Duterte ay mayroon ng ginagawang militarisasyon ang China sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga artipisyal na isla.
Ayon kay Roque ang tanging magagawa ng Pilipinas ngayon ay panatilihin ang magandang relasyong diplomatiko sa China.
Inihayag ni Roque sa pamamagitan ng diplomatic relations hindi magagamit ng China ang mga nakaimbak na armas sa south China sea laban sa Pilipinas.
Niliwanag ni Roque sa pamamagitan ng diplomatic protest naipaparating ng Pilipinas ang pagtutol sa ginagawa ng China na hindi hahantong sa digmaan.
Aminado ang Malakanyang na hindi kaya ng Pilipinas na makipag giyera sa China.
Ulat ni Vic Somintac