Militarisasyon ng China sa West Phil. Sea, pinatututukan sa NICA
Pinatututukan ni Senador Francis Pangilinan sa National Intelligence Coordinating Agency (NICA) ang ginagawang militarisasyon ng China sa West Philippine Sea.
Ayon kay Pangilinan, ito ang dapat atupagin ng ahensya ng Gobyerno sa halip na pag-initan ang Unyon ng mga Manggagawa.
Ginawa ng Senador ang pahayag sa harap ng pagdadawit ni NICA Director General Alex Paul Monteagudo sa Unyon ng mga mangagawa sa Senado sa Red Tagging.
Kwestyon ni Pangilinan, tila idinidiin ng NICA ang mga manggagawa pero bulag sa aniya’y dambuhalang mananakop.
Nakalulungkot aniya na sa halip na magbigay ng Intelligence Information tungkol sa ginagawa ng China sa Julian Felipe Reef, mas inaatupag pa ang paniniktik sa maliliit na empleyado.
Senador Pangilinan:
“Dapat ang tinututukan nila yung pananakop ng komunista sa Julian Felipe Reef. Yon ang dapat nating binibigyan ng oras at panahon ‘di ba? Sana man lang…binibigyan tayo ng intelligence information tungkol sa ginagawa ng China sa Julian Felipe Reef, yun ang dapat nilang asikasuhin, hindi yung maliliit na empleyado ng pamahalaan. Nakakalungkot,”
Meanne Corvera