Milwaukee Bucks, bumisita sa White House
Nagpasalamat ang Milwaukee Bucks, matapos silang anyayahan ni US President Joe Biden na bumisita sa White House.
Sila ang unang koponan na naging guest sa White House sa nakalipas na halos limang taon.
Nakipagkita ang koponan kay Biden nitong Lunes (Martes sa Pilipinas). Nahinto ang ganitong tradisyon sa panahon ng panunungkulan ni dating pangulong Donald Trump.
Ayon sa center ng Bucks na taga Los Angeles, California na si Brook Lopez . . . “It’s amazing and humbling to be part of that tradition. It’s very cool.”
Ang Cleveland Cavaliers ang huling NBA team na bumisita sa White House, noong si Barack Obama pa ang pangulo ng America.
Ang mga manlalaro at coaches ng Bucks ay nakipagkita sa Democratic leader.
Ayon kay Donte DiVicenzo na gaya ni Biden ay nagmula rin sa Delaware . . . “It’s once-in-a-lifetime opportunity. It was a humbling experience, for one, to see somebody from Delaware in the presidency, and two, to be here with the team, win a championship, be here to celebrate that.”
Binanggit din ni Biden ang rags-to-riches story ng leading scorer ng Bucks na si Giannis Antetokounmpo, na galing sa Greece na naabot ang kaniyang American dream mula sa dating pagiging mahirap.
Ayon kay Antetokounmpo . . . “I got a little emotional. I know how much (my family) sacrificed because this doesn’t go back eight years. This goes back since I was a kid.” (AFP)