Milyun-milyong halaga ng luxury cars at coins, nadiskubre sa isang warehouse sa QC
Milyun-milyong pisong halaga ng mga mamahaling sasakyan at mga barya ang nakumpiska ng Customs Intelligence and Investigation Service Field Office ng Bureau of Customs Port of Manila.
Ito ay sa pamamagitan ng isinagawang operasyon sa isang bodega sa Scout Tuazon, Quezon City noong October 1, 2021.
Ininspeksyon at pinasok ng mga tauhan ng POM-CIIS, Philippine Coast Guard (PCG), Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at ng National Bureau of Investigation (NBI) ang bodega at nadiskubre ang iba’t-ibang luxury vehicles na pinaniniwalaang smuggled gaya ng Lamborghini, Nissan GTR, Ferrari, Ford Shelby GT500, Mercedes Benz, Karosserie, Ford Raptor at Nissan Cefiro na tinatayang nagkakahalaga ng 100 milyong piso.
Natuklasan din ang tinatayang nasa 50 milyong halaga ng mga barya.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad at ang sinumang matutukoy na responsable ay mahaharap sa kasong paglabag sa Customs Mordernization and Tarrif Act, BSP rules and regulation at sa Anti-Money Laundering Laws.
59959954 Comments196 Shares