Mini hydro power plant sa Real, Quezon, sinunog ng NPA
Sinunog ng halos 30 mga nagpakilalang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang mga heavy equipment sa Lubayat Mini Hydro Power Plant na nasa Brgy. Maragondon, Real Quezon, sa pagitan 11:00 at 12:00 ng hatinggabi
Mga heavy equipment na ginagamit sa paggawa ng hydro power plant ng kumpanyang Pacific Summit Renewable Corporation ang sinunog.
Kabilang ang 1 loader, 2 backhoe, 1 trailer truck, 1 Mitsubishi strada pick up truck, 1 L300, 2 dump truck at ang kanilang opisina.
Baťay salaysay ng 3 security guard na sina Mark Deocareza, Wilmer Fortunado, John Saayo ay pinaalis sila sa lugar na binabantayan nila ng mga nagpakilalang miyembro NPA at sinabing galit daw sila Kay President Rodrigo Roa Duterte at sa kompanyang nabanggit.
Ayon sa mga guardiya ito ay dahil sa hindi pagbabayad sa mga terorista.
Kasalukuyang nag-iimbistiga ang mga puli at mga sundalo sa lugar na mga maaaring pinuntahan ng mga rebeldeng grupo.
Ulat nina Freddie Llanita/Nice Gurango