Mining firms, pinatitigil ng Senado sa pagpopondo sa destab plot laban kay Duterte
Pinayuhan ni Senate President Aquilino Pimentel ang mga negosyante na sangkot sa pagmimina na itigil na ang pagpopondo sa destabilization plot laban sa administrasyon.
Sa halip sinabi ni Pimentel na kumilos ang mga minero para irehabilitate ang mga bundok na nawasak dahil sa kanilang pagnenegosyo.
May hinala si Pimentel na bahagi ng destabilisasyon laban sa Pangulo ang pagharang sa kumpirmasyon ni DENR Secretary Gina Lopez lalo at marami sa mga mining firms ang tumututol na maitalaga sya sa pwesto.
Naniniwala naman si Pimentel na hindi magtatagumpay ang anumang banta ng destabilisayson laban sa Pangulo lalo na at suportado ng mayorya sa mga Pilipino ang mga programa nito.
Ulat ni: Mean Corvera