Minority Bloc sa Senado, nangangamba sa pagpapalawig ng Martial Law sa Mindanao
Nangangamba ang Minority Bloc sa Senado ukol sa pagpapalawig ng Martial Law sa Mindanao.
Pangamba ni Senador Francis ‘Kiko’ Pangilinan, na maaring sa buong bansa pairalin ang Martial Law oras na magkaroon ng isolated Acts of Terrorism sa Luzon at Visayas.
Tinukoy pa nito ang isinasaad ng saligang batas na nagsasabing hindi maaring lumagpas ng 60 araw ang deklarasyon ng Martial Law.
May babala naman si Drilon sa umanoy tila pagbabalewala o hindi seryosong pagtupad ng Kongreso sa tungkulin partikular sa pagdesisyon ng walang sapat na katuwiran.
Please follow and like us: