Misamis Oriental, patuloy ang paghahanda sa May 2019 elections
Patuloy sa paghahanda para sa nalalapit na May 2019 Elections ang Misamis Oriental.
Kasabay nito, tiniyak ni Provincial Election Supervisor Atty. Aleli Ramirez na nakahanda na ang Comelec sa gagawing halalan katuwang ang mga pulis at militar.
Ipinagmalaki rin ni Ramirez na hanggang sa kasalukuyan ay wala silang natatanggap na report sa vote buying at iba pang iligal na aktibidad na may kaugnayan sa eleksyon.
Bago ang March 29 kung saan isinagawa ang local election ng mga munisipyo, nagharap-harap ang mga kandidato at mga Comelec officials upang pag-usapan ang mga dapat at hindi dapat gawin ng isang kandidato.
” Before ang March 29, nag-conduct kami ng Candidate meeting. Sinabi namin doon kung ano ang dapat at mga bawal na gawin ng isang kandidato. So, siguro dahil sa effort namin to inform the candidate, yung mga ganyang vote buying naiiwasan.”- Atty. Aleli Ramirez
Samantala, patuloy naman ang pag-iikot ni Misamis Oriental Provicial Police Director Lt. Col. Rolando Destura upang masigurong payapa ang gagawing halalan.
“Peaceful naman sa amin ngayon, wala namang untoward incident na nangyayari, wala ring nakakapasok na masasamang elemento kaya payapa po naming magagawa ang midterm elections”. – Lt. Col. Rolando Destura
Ulat ni Richard dela Cruz