“Misquoted” remark ng Chinese Ambassador ukol sa OFWs sa Taiwan, nilinaw ng Embahada
Misquoted o misinterpreted umano ang naging pahayag ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian ukol sa naging babala sa mga Overseas Filipino Worker (OFW) na nagtatrabaho sa Taiwan.
Ito ang paglilinaw ng Chinese Embassy sa kanilang statement na naka-post sa kanilang official Facebook page.
Sinabi ng Embahada na ikinatutuwa nila ang extensive coverage ng media sa naging talumpati ni Ambassador Huang sa 8th Manila Forum noong Biyernes.
“Unfortunately, some misquoted or misinterpreted Ambassador Huang’s remarks or simply took part of the Ambassador’s words out of context.”
Sa nasabing forum noong Biyernes, sinabi ni Huang na ang isyu sa Taiwan ay “entirely China’s affair,” kasabay ng akusasyon sa Estados Unidos na nanghihimasok sa sitwasyon.
Sinasamantala din aniya ng Amerika ang karagdagang apat na military sites ng Pilipinas sa implementasyon ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).
Sa kaniya ring talumpati, sinabi ni Huang na “the Philippines is advised to unequivocally oppose ‘Taiwan Independence’ rather than stoking the fire by offering the US access to the military bases near the Taiwan Strait if you care genuinely about the 150,000 OFWs.”
Para ipaliwanag ang panig ng Embahador, ibinahagi ng Embassy ang dalawang links na naglalaman ng talumpati ni Ambassador Huang, isa sa wikang Tsino at isa sa wikang Ingles.
Sa link na ibinigay ng Chinese Embassy, narito ang bahagi ng talumpati ni Ambassador Huang patungkol sa usapin ng OFWs.
“Some tried to find excuse for the new EDCA sites by citing the safety of the 150,000 OFWs in Taiwan, while China is the last country that wishes to see conflict over the Strait because people on both sides are Chinese. But we will not renounce the use of force, and we reserve the option of taking all necessary measures. This is to guard against external interference and all separatist activities. The Philippines is advised to unequivocally oppose “Taiwan independence” rather than stoking the fire by offering the US access to the military bases near the Taiwan Strait if you care genuinely about the 150,000 OFWs.”
Weng dela Fuente