Miyembro ng NPA sumuko sa Davao City
Isang miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA), ang sumuko sa mga miyembro ng Revitalized Police sa Barangay (RPSB) Cluster 5, sa Calinan Davao City na, pinangunahan ni Pol. Lt. Rizalito Clapiz, III na sakop ng Calinan Police Station.
Nakilala ang surrenderee na si Alias Eddie, isang magsasaka na residente sa Brgy Manobo, Magpet, North Cotabao at miyembro ng Guerilla Front 54, ng Pulang Bagani Command 3 na kumikilos sa Calinan,Toril,Tugbok sa Davao City, Magpet sa North Cotabato, at Kapatagan Davao del Sur.
Kasamang isinuko ni alias Eddie, ang isang shotgun at mga bala nito.
Ayon kay Clapiz, sumuko ang dating rebelde dahil alam nyang ito rin ang ginawa ng kanyang nga kasamahan na nauna sa kanya dahil nahirapan na rin sa kanilang kalagayan sa bundok.
Nakita rin nila ang mas pinaigting na operasyon ng pamahalaan, laluna sa mga lugar na apektado ng insurhensiya.
Si alias Eddie ay nasa kustodiya na ng Calinan PNP.
Isa lamang ito sa resulta ng programa ng pamahalaan na National Task Force To End Local Communist Armed Conflict o NTF ELCAC, sa ilalim ng Executive Order # 70.
Ulat ni Noreen Ygonja