Miyembro ng UP Board of Regents, pinagreresign dahil sa bastos na pahayag sa social media
Pinagbibitiw na sa puwesto ng mga Senador ang miyembro ng Board of Regents ng University of the Philippines na si Frederick Spocky Parolan dahil sa bastos na post nito sa social media hinggil sa basketball finals ng UAAP.
Sa posts ni Parolan sa kaniyang social media account, sinabi nito na hindi umano makukumpleto ang players ng kalaban nitong unibersidad dahil tatlo sa mga ito ay injured.
Pero ayon kay Senador Aquilino Pimentel, tila umabuso si Parolan matapos mabigyan ng posisyon.
Tila nanghihikayat aniya ito karahasan sa mga miyembro ng fraternities.
Binatikos rin ni Binay ang naturang opisyal dahil kahit aniya sa larangan ng sports, dapat nagpapakita sila ng honor at excellence.
Hindi aniya dapat ipino-promote lalo na sa mga Unibersidad ang Culture of Violence lalo na ang pang-aabuso ng mga fraternities.
Ulat ni Meanne Corvera