MMC nagpalabas ng Resolusyon ukol sa pagsasagawa ng Community pantry
Nagpalabas ng resolusyon ang Metro Manila Council (MMC) sa lahat ng organizers ng Community pantry sa National Capital Region.
Isinasaad sa resolusyon na kinakailangang makipag-ugnayan sa mga opisyal ng bayan o siyudad para matiyak na maipatutupad ang Covid- 19 Health protocols.
Bagaman kapuri-puri ang layunin ng mga organizer ng community pantry, mahalagang naipatutupad ang kaligtasan ng publiko kaugnay sa umiiral na Health protocols dulot ng Pandemya.
Sinabi ni MMDA Chairman at MMC Chief Benhur Abalos, kailangang magkaron ng advance coordination sa LGUs para makapaglatag ng mga hakbang para matiyak na nasusunod ang physical distancing at iba pang health protocols sa community pantries.
Ipinaalala rin na ang mga edad 17 pàbaba at Senior Citizens na 65 pataas ay dàpat na nasa pamamahay lamang alinsunod na rin sa guidelines ng Inter-Agency Task Force.
Julie Fernando