MMDA at DENR, nagkaisa ukol sa pagdiriwang ng Zero Waste Month sa Metro Manila

Courtest: MMDA-PIO
Nagpahayag ng suporta ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga programa at proyekto ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Zero Waste Month at ika-24 na anibersaryo ng paglagda sa Republic Act 9003, o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000.

Ayon kay MMDA Chairman Atty. Don Artes, patuloy na nagsusumikap ang ahensiya na isulong ang iba’t ibang estratehiya tungo sa isang sustainable at circular economy na hangarin ng pamahalaan para sa bansa, at mas mapalakas pa ang kampanya sa pagpapatupad ng R.A. 9003.

Isa rito ang Road-to-Zero Waste Program ng ahensiya sa pakikipagtulungan sa mga partner recyclers at waste management practitioners.

Bahagi ng “Kalinisan sa Bagong Pilipinas” campaign ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang Road to Zero Waste Program ng MMDA ay idinisenyo upang mapatibay ang sistema ng tamang pamamahala ng basura sa Metro Manila sa pamamagitan ng recycling at resource recovery.
Manny De luna