MMDA at Metro mayors , inirekomenda na sa IATF na isailalim sa Alert level 1 ang NCR
Inirekomenda na sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious diseases ang pagsailalim sa COVID-19 alert level one status ng National Capital Region o NCR.
Ito ay matapos na maging unanimous ang desisyon ng labimpitong alkalde ng Metro manila na ibaba sa alert level one ang kamaynilaan simula sa March 1, 2022 batay sa isinumiteng MMDA resolution number 22-06 series of 2022.
Ayon kay MMDA acting Chairman Romando Artes, pinagbatayan ng mga alkalde ang pababang kaso ng COVID-19 at maging ang positivity rate liban sa isang munisipalidad sa NCR.
Naniniwala rin ang mga alkalde na hindi naman nagresulta sa pagtaas ng mga kaso kaso ng COVID-19 ang kaliwa’t kanang kampanya ng mga kandidato na dinagsa ng mga tagasuporta ng mga ito.
Sinabi ni Artes na talakayin pa ito sa gawing pagpupulong ng MMDA, Department of Transportation, Land Transportation Office at Land Transportation Franchising and Regulatory Board.