MMDA, magtatalaga ng enforcers sa EDSA kapag may pagbaha
Plano ng Metropolitan Manila Development Authority na mag-deploy ng kanilang mga enforcer sa EDSA para gumabay sa mga motorista kapag may mga pagbaha.
Ito’y upang masolusyunan ang mabigat na daloy ng mga sasakyan tuwing umuulan.
Ayon kay MMDA Deputy Chief of Staff Michael Salalima, ang mga enforcer na kanilang idi-deploy ay itatalaga nila sa mga area na mataas ang pagbaha.
Pinag-aaralan din nilang palawigin ang oras ng duty ng kanilang mga traffic enforcer kapag may mga okasyon.
Please follow and like us: