MMDA may libreng TB at chest X-ray screening para sa kanilang mga field personnel
Sumailalim sa Tuberculosis (TB) screening at chest X-ray ang mga field personnel ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Ayon kay Chairman Benhur Abalos, ito ay libreng medical treatment para sa kanilang mga tauhan na ang trabaho ay expose sa mga alikabok, toxins, at usok ng mga sasakyan.
Aniya nasa 2,500 field workers ang nabigyan ng free screening partikular ang street sweepers at traffic enforcers.
Ayon kay Abalos, katuwang ng MMDA sa inisyatibong ito ang United States Agency for International Development (USAID).
Gumamit aniya ng mobile X-ray van ang TB Platform Active Case Finding Team ng USAID para maisagawa ang screening.