MMDA nag-ikot sa mga vaccination site para matiyak na hindi maulit ang pagdagsa ng mga nais magpabakuna
Ininspeksyon ni MMDA Chairman Benjamin Abalos ang ilang vaccination hub sa Las piñas, Muntinlupa at Parañaque.
Kasunod ito ng pagdagsa ng mga taong nais magpabakuna kahapon sa takot na hindi makatanggap ng ayuda ngayong may umiiral na Enhance Community Quarantine sa NCR plus.
Nais aniya nilang makatiyak na nasusunod ang health and safety protocol sa mga vaccination site at hindi na maulit ang pagdagsa ng mga tao.
Paglilinaw ni Abalos batay sa meeting na isinagawa ng Metro mayors, dapat ang mga magpapabakuna ay may matanggap na confirmation schedule at mahigpit na ipinagbabawal ang walk in.
Sa assesment aniya ng mga alkalde aabot sa 250 libong katao ang maaringabakunahan sa dalawang linggong implementasyon ng ECQ sa Metro manila.
Meanne Corvera