MMDA nakahanda na sa ikatlong Metrowide earthquake drill
Pinaghahandaan na ng Metropolitan Manila Development Authority ang ikatlong Metrowide earthquake drill.
Ayon kay Metro Manila Crisis Monitoring and Management Center head Ramon Santiago, gaganapin ang panibagong Metro Manila shake drill ganap na alas-4:00 ng hapon ng July 14, Biyernes.
Naiiba ang shake drill ngayon dahil tatagal ito ng apat na araw at matatapos sa July 18, Lunes ng umaga.
Layon ng mga otoridad na mas paigtingin pa ang kaalaman ng publiko tungkol sa paghahanda sa isang malakas na lindol.
Ayon pa kay Santiago, magkakaroon din ng pagkakataon ang mga tao na siyasatin ang kanilang mga plano at kung paano mas pagbubutihin ito.