MMDA nakiusap sa mga motorista na iwasan munang dumaan sa Commonwealth area hanggang matapos ang SONA ng Pangulo
Nanawagan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa publiko na habaan ang pasensya at iwasang mag-init ang ulo sa mabigat na daloy ng trapiko na nararanasan ngayon sa kahabaan ng Commonwealth Avenue partikular sa may patungong Batasang Pambansa kung saan idaraos ang SONA ni Pangulong Duterte.
Ala-1:00 ngayong hapon ay inaasahang mas bibigat pa ang daloy ng trapiko sa nasabing lugar hanggang sa matapos ang SONA ng Pangulo.
Payo ni MMDA Chief for Operations Col. Bong Nebrija, kung walang importanteng lakad ay iwasan na lamang ang nasabing lugar upang hindi maipit sa trapiko o gamitin ang mga itinalaga nilang alternatibong ruta.
“Paalala na lang namin sa mga motorista papuntang Fairview o sa Batasan, San Mateo road o mga lugar na yan ay gamitin ang mga alternate routes para hind maipit sa trapiko. Ala-una ngayong hapon ay isasara na ang ilang kalye hanggang sa SONA ng Pangulo ay ipagagamit na lamang ay ang Zipper lane. Kaya namatili na lamang sa inyong mga tahanan kung wala namang mahalagang lakad”.