MOA para sa proteksyon ng mga OFWs sa Kuwait, lalagdaan na bukas, May 11

 

Nasa Kuwait na ang grupo ni Labor secretary Silvestre Bello III  para sa inaasahang pirmahan ng Memorandum of Agreement  para sa proteksiyon ng mga Overseas Filipino workers o OFWs.

Ayon kay Presidential  spokesperson Harry Roque na kasama din sa Kuwait, inaasahang magkaka-pirmahan bukas, May 11,  matapos  ang  pakikipagpulong sa Kuwaiti Interior Ministry

Umaasa aniya ang pamahalaan  na babalik na sa normal ang relasyon ng dalawang bansa.

Nagpahayag naman ang Kuwait  ng pagpapahalaga nito  sa mga  Filipinong nandoon.

Pumayag din ang Kuwait sa pagbuo ng special unit  sa kanilang pulisya na puwedeng makatulong  sa Philippine Embassy sa pagtugon sa reklamo  ng mga Filipino roon.

Napagkasunduan din ang pagpapalaya  sa apat na driver na nakulong  dahil sa kontrobersyal na pag rescue sa ilang OFW sa Kuwait.

 

===============

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *