Mobile communication system, pinabibilisan sa DICT para makatulong sa komunikasyon sa mga kalamidad
Pinapapaspasan ni Senador Sonny Angara sa Department of Information and Communications Technology o DICT ang emergency communicatins sa mga lugar na madalas dinadaanan ng bagyo.
Sinabi ni Angara, Vice-Chair ng Senate Finance committee na ngayong taon, nakatanggap na ng 192 million ang DICT para ipambili ng anim na Mobile Operations Vehicles for Emergency o MOVE na syang magbibigay ng communications system.
Batay sa proyekto ng DICT, bawat MOVE ay isang six-wheeler truck na magsisilbing command and control center na magiging coordinator sa National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC at magbibigay ng komunikasyon sa mga biktima ng kalamidad.
Magiging available ang mobile emergency vehicle sa Metro Manila, Clark, Batangas, Cagayan de Oro at Davao.
Ulat ni Meanne Corvera