Mobile hotlines na tatanggap ng mga reklamo, inilunsad ng ARTA
Mas magiging madali na sa publiko na i-report ang kanilang mga reklamo sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno, ngayong inilunsad na ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang mobile hotlines na tatanggap ng mga reklamo tungkol sa red tape.
Sinabi ni ARTA director general Jeremiah Belgica, na mas marami nang reklamo ang tinatanggap ngayon ng ahensiya kaya nagdagdag na ito ng mga channel para makapag-report ang publiko ng mga insidente ng red tape sa mga tanggapan ng pamahalaan.
Aniya . . . “This is a good problem to have because it means that more Filipinos are becoming aware of ARTA’s services and that we are gaining more allies in the fight against red tape.”
Ang publiko ay hinihimok na tumawag sa ARTAwag Center mobile numbers 0965-672-4943 at 0916-266-3138 para sa Globe at TM users, at 0969-257-7242 at 0969-516-7765 para sa Smart, TNT, at Sun subscribers, kung sila ay may concerns at complaints na may kaugnayan sa delays sa government processes, fixers, bribery, inefficient government services, at marami pang iba.
Bukod pa ito sa Hotline 8888 o ang Citizens’ Complaint Center.
Ang ARTAwag Center ay tatanggap ng mga tawag mula Lunes hanggang Biyernes, alad-8:00 ng umaga hanggang ala-5:00 ng hapon.
Sa mga nagnanais namang mag-file ng reklamo ay maaaring magpadala ng email sa [email protected], Hotline 8888, sa pamamagitan ng kanilang na arta.gov.ph, at sa social media accounts na Anti-Red Tape Authority sa Facebook at @artagovph sa Twitter at Instagram.
Kamakailan, inilunsad ng ahensiya ang ARTAmbayan Outpost sa kahabaan ng Magalang St., Barangay Pinyahan sa Quezon City kung saan maaaring i-report ng publiko ang kanilang red tape concerns.