Mobile Vaccination Clinic, inilunsad ng QC-LGU
Inilunsad ng QC government ang tatlong mobile vaccination clinic.
Layunin nito na matulungan ang mga QC residents na hindi marunong gumamit ng gadget upang makapagpa- book online, lalo na ngayong online ang pagpaparegister para mabakunahan.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng Quezon City, partikular na nais matulungan ng mobile vaccination ay ang mga PWDs.
Sa pamamagitan ng tatlong mobile clinic ay magkakaloob ng bakuna para sa mga nasabing individual upang maiwasan ang hawaan at hindi na pupunta sa mga vaccination sites para doon magpabakuna.
Isa sa mga bus ay may lifter para maiangat ang mga PWD na nais magpabakuna.
Sinabi pa ng QC-LGU, protektado sa hawaan ng virus ang mga nagpapabakuna sa mobile clinic dahil isa-isa silang pinapapasok dito para bakunahan.
Bukod dito, Sinabi ni Mayor Joy Belmonte na nagsasagawa rin ang lokal na pamahalaan ng house-to-house vaccination para sa mga bedridden.
Belle Surara