Mock Elections, posibleng isagawa ulit sa Abril
Posibleng magkaroon muli ng Mock Elections ang COMELEC sa Abril para sa testing ng pagpapadala ng resulta sa pamamagitan ng satellite connection and subscriber identity module or SIM cards.
Ayon kay Comelec Chairman, Andres Bautista ang isinagawang unang Mock Eection ay para lamang sa testing ng Satellite connection, hindi nila nagamit ang cellular signal dahil hindi nakapag supply ang telecommunication companies ng kailangang sim cards.
Binigyang diin naman ng Malacanang ang importansya ng ginawang Mock Elections sa kabila ng mga depekto sa ilang presinto. Nagbigay ito ng dagdag kaalaman sa proseso sa eleksyon at nakita rin ang posibleng problema sa pagboto at pagpapadala ng resulta.
Inilarawan ang Mock Election na isang technical rehearsal na malaki ang naitulong sa comelec at sa mga botante.