Moderna, humingi ng US authorization para gamitin ang kanilang bakuna sa mga teenager
WASHINGTON, United States ( AFP) – Inihayag ng American biotech company na Moderna, na humingi sila sa US Foods and Drug Administration ng emergency use authorization para sa kanilang COVID-19 vaccine, para ibakuna sa mga teenager.
Ang hakbang ay inaasahan na matapos i-anunsyo ng kompanya noong Mayo, ang naunang resulta mula sa trial ng 3,700 sa dose hanggang disi-siete anyos, kung saan lumitaw na ang dalawang dose ng bakuna ng Moderna ay ligtas at mabisa.
Nitong Lunes, gumawa rin ng katulad na kahilingan ang Moderna sa European at Canadian regulators.
Sinabi ng CEO ng kompanya na si Stephane Bancel . . . “We are encouraged that the Moderna COVID-19 vaccine was highly effective at preventing COVID-19 and SARS-CoV-2 infections in adolescents.”
Lumitaw na ang bisa ng bakuna ay 100% matapos ang dalawang doses, kung ang gagamitin ay ang kaparehong definition at symptomatic disease na ini-apply sa adult trial.
Bumagsak ito sa 93% matapos ang one dose, nang gamitin ang mas mahigpit na depinisyon na ginamit ng Centers for Disease Control and Prevention, na nagre-require ng isa lamang sintomas bilang karagdagan sa isang positive test.
Walang significant safety concerns ang naitala. Ang pinaka karaniwang side effects sa labas ng injection site makaraan ang 2nd dose ay sakit ng ulo, fatigue, sakit ng katawan, at chills.
Nitong Mayo ay binigyan na ng awtorisasyon ng FDA ang paggamit sa Pfizer-BioNTech vaccine para sa edad 12-15 anyos.
Bagamat ang mga teenager ay hindi madaling kapitan ng severe COVID kumpara sa adults, naniniwala ang mga eksperto na mahalagang mabakunahan din sila upang magkaroon ng population immunity laban sa sakit.
Ang Moderna COVID-19 vaccine ay dinivelop sa pakikipagtulungan ng US National Institutes of Health gamit ang messenger ribonucleic acid (mRNA) technology.
Gumagamit ito ng genetic material para mag-deliver ng instructions sa human cells upang lumikha ng spike protein ng coronavirus, na siya namang magsasanay sa immune syatem na tumugon, nang hindi nalalantad ang host sa tunay na infection.
@ Agence France-Presse