Moderna vaccine inaasahang darating sa bansa sa July 15
Umaasa si Philippine Ambassador to U.S., Jose Manuel Romualdez na sa June 15 ay maidedeliver na sa Pilipinas ang biniling bakuna sa Amerika.
Sinabi ni Ambassador Romualdez sa panayam ng Balitalakayan, na malabo nang dumating ito sa Mayo.
Aniya, nasa 20 milyong doses ng Moderna vaccine ang binili ng gobyerno at posible aniyang makumpleto ito hanggang sa Disyembre.
Maging ang Pfizer ay sa Hunyo Rin inàasahang makaka comply sa order, bagaman paunti- unti din ang dating.
Samantala, ibinalita din ng embahador na nag -offer din ang Moderna ng dinevelop nitong booster shots na magiging available sa Setyembre para sa immunity.
Bagaman pag- aaralan pa ng ating pamahalaan kung kakailanganing kumuha ng booster shots.
Julie Fernando