Modified working arrangement, ipatutupad sa SC simula Enero 6
Magkakaroon ng pagbabago sa oras ng pasok ng mga kawani ng Korte Suprema makaraang isailalim sa Alert Level 3 ang NCR.
Sa sirkular na inisyu ni Chief Justice Alexander Gesmundo, mula 9:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon ang official time ng pasok ng mga empleyado.
Magsisimula dapat ngayong Lunes ang modified working arrangement pero inurong ito sa Enero 6 matapos na suspendihin ang pasok sa Supreme Court ng tatlong araw.
Mananatili naman na fully operational ang mga tanggapan sa SC kahit Alert Level 3.
Pero kalahati ng mga tauhan ay papasok ng Lunes, Martes at Miyerkules habang ang kalahati ay Huwebes, Biyernes, at Sabado.
Work from home naman ang court personnel sa dalawang araw na hindi ito nakaiskedyul na pumasok nang pisikal sa Korte Suprema.
Obligado ang mga kawani na papasok on site na sumailalim at iprisinta ang negative antigen test results sa Enero 6.
Moira Encina