Modus na “Demanda Me” ginagamit ng mga dayuhan para hindi ma-deport – DOJ
Ginagamit na rin ngayon ng mga dayuhan modus na “demanda me” para hindi sila maipa deport palabas ng bansa at maipagpatuloy ang krimen at iba pang iligal na aktibidad sa Pilipinas.
Sa budget hearing sa Senado, sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin remulla na ito ang dahilan kaya tumatagal ang proseso ng deportation sa mga undesirable alien at mga dayuhang nasangkot sa kaso sa Pilipinas
Sabi ni Remulla, aabot ngayon sa may 400 ang mga dayuhan ang nakakulong sa Bureau of Immigration na kalahati sa mga ito Chinese nationals
Marami sa kanila halos limang taon nang nakakulong pero hindi pa maipa extradite dahil pinoproseso ang kanilang kaso
“Minsan kalahati nakakulong may kaso sila nagpa-file para hindi sila umalis” pahayag ni DOJ Secretary Crispin remulla habang nagtatanong si Senador Nancy Binay
Batay aniya sa batas Pilipinas, hindi maaring paalisin sa bansa ang mga dayuhang may kinakaharap na kaso
Inihalimbawa ng Kalihim ang isang Japanese national na sinampahan kunwari ng 12 kaso ng kaniyang kasintahan kabilang na ang violation against women and children.
Pero nakapagtatakang ang girlfriend nito madalas bumibista at nagbe beso pa sa Japanese national.
“Ang ginawa po namin trinabaho namin pinag aralan namin bawa’t kaso pinadismis namin isa isa mga kaso ngayon kung mayroon ho tayong batas makakabuti sana yan.” paliwanag pa ng Kalihim
Isa naman sa nakikitang opsiyon ng mga Senador ay ipa-deport na lang ang mga dayuhan
pero sagot ng kalihim, hirap silang gawin ito dahil ang ilang bansa tulad ng china maliban na lamang kung hihilingin ng bansang kaniyang kinabibilangan.
Mungkahi ni Remulla sa mga mambabatas, bumalangkas ng batas para agad ma-i-waive ang kaso sa mga dayuhang dapat nang ipadeport at patawan ng mas mabigat na parusa ang mga Abugadong Pinoy na kasabwat sa demanda may modus
“May problema ho tayo diyan People’s Republic of China ayaw nila i-deport agad ayaw nila bigyan ng dokumento hindi ho nila minamadali priority lang pinapadeport nila kaya nagtatagal ng mahigit isang taon ayaw tayo tulungan ng Chinese sa bagay na yan.” Wika pa ng Kalihim.
Meanne Corvera