Molecular Laboratory sa NEGH, bukas na
Binuksan na ang Molecular Laboratory sa New Era General Hospital *(NEGH) sa Quezon City.
Sinabi ni Dr. Salvador Corpuz, Medical Director ng NEGH, layon nitong mapabilis ang resulta ng mga swab test sa mga hinihinalang carrier ng Covid-19.
Sa nasabing laboratoryo, ipasusuri ang lahat ng resulta ng swab test na makokolekta sa NEGH at iba pang lugar.
Ang laboratoryo ay may mga Bio-Safety cabinet, Fas box at 3 makabagong RT-PCR testing.
Mayroon na ring comfort room at washing machine laboratoryo kung saan maaaring maligo at labhan agad ang mga uniporme ng mga Medical Technician pagkatapos iproseso ang mga swab sample.
Ito’y para matiyak na hindi kakalat ang virus sakaling makakuha sila sa mga sample.
Ayon kay Dr. Corpuz, aabot sa 300 hanggang 500 na swab sample ang maaaring iproseso dito kada araw.
Ipinatayo ng Pamamahalang Pangkalahatan ng Iglesia ni Cristo ang laboratoryong ito dahil pangangailangan ng mga dumaraming kaso ng Covid-19.
Statement Dr. Corpuz:
“Nakita po ng ating Tagapamahalang Pangkalahatan na malaking tulong ang maibibigay nito kung magkakaroon ang ating pagamutan ng ganitong Molecular Laboratory dahil sa dami ng pangangailangan ng RT-PCR swab test upang mabigyan ng serbisyo ang ating mga Kapatid higit sa lahat ang ating komunidad na taga-ibang lugar ay maaari ring matulungan”.
Meanne Corvera