Monetary Board itinaas ang interest rates sa bansa
Inanunsiyo ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na itinaas ng Monetary Board ang interest rates sa bansa.
Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno, epektibo sa Hunyo 24, Biyernes ay 2.5 percent na ang interest rate sa overnight borrowing.
Samantala, itinaas naman sa 2.0 percent ang interest rates sa overnight deposit at 3.0 percent ang lending facilities.
Isa sa mga ikinonsidera ng Monetary Board sa pagtaas muli sa policy interest rate ang mga “upside risks” na patuloy na nagdo-dominate sa inflation outlook hanggang 2023.
Gayundin, ang inaasahang patuloy na pagtaas ng implasyon at ang epekto ng tumataas na presyo ng mga bilihin.
Naniniwala ang Monetary Board na ang pagtataas muli ng interest rates ay makakatulong sa BSP upang ma-withdraw ang stimulus measures habang binabantayan ang
macroeconomic stability sa harap ng paglobo ng global commodity prices.
Moira Encina