Monitoring at inspeksyon sa SRP ng mga basic commodities, palalawigin pa ng DTI
Hinimok ng Department of Trade and Industry o DTI ang publiko na mamili sa mga groceries at supermarkets dahil ang mga ito umano ang sumusunod sa suggested retail price ng mga basic commodities.
Sa panayam ng DZEC-Radyo Agila kay DTI Secretary Ramon Lopez, ito ay base sa ibinigay na ulat ng kanilang mga DTI staff na naka-assign sa iba’t-ibang mga supermarkets sa Metro Manila.
Kasabay nito, sinabi ni Lopez na sa ngayon ay wala pa naman umanong nagbago ng kanilang SRP maliban sa mga canned goods dahil sa pagtaas ng presyo ng tin plate at mga school supplies sanhi naman sa pagtaas ng mga paper materials.
Natural lang din aniya ang paggalaw sa presyo ng mga bilihin bunsod na rin ng pagtaas ng presyo ng langis.
Tiniyak naman ni Lopez na mas palalawigin pa ng DTI ang monitoring at inspeksyon sa mga supermarkets simula ngayong linggong ito at maglalagay na rin sila ng inspection team sa mga rehiyon.
Makikipag-usap din ang DTI sa Agriculture Department upang maisama sa kanilang monitoring ang mga presyo sa mga palengke.
“May ganitong panahon talaga sa mundo na tumataas ang presyo ng mga commodities, gaya nga ng langis at mga lata o tin plates, saka papel o papre products pero ipinaliwanag naman yan ng DTI one month ago dahil may mga nag-request din kasi dahil nagtaasan nga yung presyo”