Monkeypox, alamin natin
Hello mga kapitbahay!
Pinag-uusapan ang monkeypox kaya hayaan po ninyong ito ang pagkwentuhan natin para madagdagan ang kaalaman ukol dito batay na rin sa ating mga pagtatanong .
Ang monkeypox ay nanggaling sa unggoy.
Ito ay isang uri ng virus at naihahawa mula sa hayop papunta sa tao.
TInatawag din itong zoonotic virus. Hindi tao ang natural host nito, hindi tulad ng smallpox or chicken pox.
Sa Africa unang nagsimula ang monkeypox. At may mga lugar na common ang monkeypox sa South Africa.
Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention, ang monkeypox ay isang rare disease dulot ng infection ng monkeypox virus.
Unang nadiskubre noong 1958 nang magkaroon ng dalawang outbreak ng pox like disease sa kolonya o kalipunan ng mga unggoy na ginagamit for research .
Samantala, ang first human case ng monkeypox ay naitala noong 1970 sa Democratic Republic of Congo at magmula noon, monkeypox has been reported in people in several other central and western african counties gaya ng Cameroon, Central African Republic, Cote d ‘Ivoire, Democratic Republic of the Congo , Gabon, Liberia , Nigeria, Republic of Congo , and Sierra Leone .
Subalit ngayon ang kaso ng monkeypox ay sa labas na ng Africa na iniuugnay sa international travel o imported animals gaya ng kaso sa United States, Israel , Singapore at United Kingdom.
Paano ba maiiwasan na mahawahan ng monkeypox virus ?
Narito ang mga nakuha nating impormasyon ….
- Umiwas na magkaron ng contact sa mga hayop na posibleng may virus gaya ng mga hayop na may sakit o natagpuang patay na hayop sa lugar na may monkeypox cases.
- Umiwas din na magkaron ng contact sa anomang materials gaya ng bedding na nagkaron ng contact with a sick animal.
- Ihiwalay ang infected patients para hindi makapanghawa.
- Practice good hygiene after contact with infected animals or humans. Maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig o gumamit ng alcohol-based sanitizer.
Naitanong natin kay Dr. Rylan Flores sa kanyang segmento sa Kapitbahay kung ano nga ba ang monkeypox?
Ang sabi niya, kaya tinawag na monkeypox dahil ang pinanggalingan ay mga unggoy, and most of the time ang transmission ay sa mga unggoy lang subalit nagkaroon ng pagkakataon na ito ay nailipat o naihawa mula sa hayop patungo sa tao.
Ito ay sa pagkakataon kung kelan mahina ang immune system o resistensiya ng isang indibidwal.
Dagdag pa ni Doc Rylan na ang sintomas ay halos katulad din ng anomang karamdaman gaya ng pagkakaron ng lagnat, panghihina, panlalamya, hindi makakain na mabuti, panlalamig .
Unfortunately, sabi niya, kapag malalala na, nagkakaron na ng butlig-butlig sa boong katawan .
Sa loob ng isa hanggang tatlong araw matapos na lagnatin ang pasyente ay magkakaroon ng rashes na makikita sa mukha at saka kakalat sa iba-ibang parte ng katawan. Karaniwang ang sakit ay magtatagal ng dalawa hanggang apat na linggo .
Sa Africa ,ipinapakita sa record na ang monkeypox ay dahilan ng pagkamatay ng isa sa sampu katao.
Samantala, nabanggit din ni Doc Rylan na bagaman nakababalita tayo ng mga kaso ng monkeypox, hindi naman tayo dapat na sobrang mabahala dahil kung oobserbahan at susuriin naman, ang death rate ay nasa 3-6 percent lamang.
Ibig sabihin sa 100 kaso, tatlo hanggang anim ang malalang maapektuhan.
Subalit hindi anya ibig sabihin nito na maging kampante, kaya dapat ay magpalakas pa rin ng resistensya o ng immune system, ingatan ang sarili, magsuot ng face mask, mag social distancing at magpabakuna.
Ito ay para makalaban sa anomang bacteria, fungi or virus na maaaring mag -occupy sa katawan natin.
O ayan, sana mga kapitabahay ay makatulong ang mga kaalamang ito para lalo nating mapangalagaan ang ating katawan sa iba-ibang karamdaman.