Moratorium sa pagmimina sa bansa, inalis na ni PRRD
Binawi na ng Malakanyang ang ipinatutupad na moratorium sa pagmimina sa bansa.
Sa inilabas na Executive Order No. 130 na pirmado ni Pangulong Rodrigo Duterte, maaari nang pumasok muli ang pamahalaan sa bagong Mineral Agreements alinsunod sa Philippine Mining Act of 1995 at iba pang mga batas.
Dahil dito maaari nang ipagpatuloy ng Department of Environment and Natural Resources o DENR ang pagbibigay at pag iisyu ng exploration permits.
Inaatasan din ang DENR na bumuo ng terms and conditions sa bagong mineral agreements kung saan magagamit ng gobyerno ang kita at shares nito sa production kabilang na ang posibilidad na ideklara ang mga lugar na ito bilang mineral reservations upang makakuha ng kaukulang royalties ang pamahalaan.
Sa ilalim ng EO 130 inaatasan din ang DENR na ireview ang existing mining contracts at mga kasunduan para sa posibleng renegotiation sa terms and conditions na magiging katanggap tanggap sa gobyerno at sa mining contractor.
Nakasaad din sa EO na kailangang magpatupad ang DENR ng mahigpit mines safety and environmental polices at mga patakaran ng mining industry coordinating council para sa lahat ng mining operations na naglalayong maoobserbahan ang environmental protection at maging responsible ang pagmimina.
Ang pagbawi ni Pangulong Duterte sa moratorium sa pagmimina ay matapos makapagpatupad ng mga bagong batas ang pamahalaan para sa pag rationalize ng existing revenue sharing schemes and mechanisms kasama na ang Tax Reform Acceleration and Inclusion o TRAIN law na nagtatakda ng dobleng rate sa excise tax sa minerals, mineral products at quarry resources sa 4% mula sa dating 2%.
Vic Somintac