More Electric and Power corporation naglunsad ng Barangay on-site registration
Para mapataas ang bilang ng mga nag-a-apply ng electricity lifeline rate subsidy, naglunsad na ng Barangay on-site registration ang More Electric and Power Corporation sa Iloilo.
Ayon kay More Power President at CEO Roel Castro, ito ay para maabot ang mas maraming Pantawid Pamilyang Pilipino Program beneficiaries at marginalized sector.
Sa pamamagitan ng lifeline rate subsidy ang mga kwalipikadong aplikante ay makakakuha ng discount sa singil sa kuryente.
Hanggang nitong Agosto 2 ay nasa 1,519 aplikasyon na aniya ang kanilang natatanggap.
Payo ni Castro sa mga consumer, bisitahin ang kanilang official Facebook page para sa petsa at lugar ng barangay on-site registration.
Si Energy Secretary Raphael Lotilla hinikayat ang mga kwalipikado na samantalahin ang pagkakataon para makakuha ng discount sa binabayaran sa kuryente.
May 4.2 milyong household beneficiaries aniya ang 4Ps pero napakababa ng bilang ng nagparehistro.
Paalala ni Lotilla ang mga nagparegister lang ang makakatanggap ng reduction sa kanilang electricity bills simula ngayong Agosto.
Samantala, inanunsyo ng More Power na sinimulan na rin nila ang ikatlong tranch ng kanilang Bill Deposit Refund.
Ang mga consumers na walang palya sa pagbabayad ng kanilang electric bill sa loob ng 36 buwan ay maaaring makakuha ng bill deposit refund.
Madelyn Moratillo