Mosyon ni Vice President Leni Robredo na pagbayarin si former Senator Bongbong Marcos para sa kustodiya ng mga vote counting machines, inalmahan
Naniniwala ang kampo ni dating senador Bongbong Marcos na taktika lamang ng kanilang kalaban ang obligahin silang magbayad ng dalawang bilyong piso para hingin ang kustodiya ng 92, 509 vote counting machines.
Sa panayam ng programang “Issue Ngayon” kay Atty. George Garcia, legal counsel ni Bongbong Marcos, nais lamang hadlangan ng kanilang kalaban ang inihain nilang electoral protest.
Wala rina niyang binabanggit ang Presidential Electoral Tribunal o PET sa nasabing isyu.
Paliwanag ni Garcia, lahat ng korte sa bansa ay nag-iisyu ng precautionary court order kaya kung ito ay ipatutupad ay hindi lamang sila ang dapa pagbayarin kundi lahat ng mga protesters.
” Isipin nyo po yung logic ng kanilang argumento na dapat mag-file ng isyu ang Presidential Electoral Tribunal o PET ng Precautionary Court order. Eh para sa inyo pong kaalaman, lahat ng korte sa Pilipinas na may protesta kahit RTC, NTC o kahit anong korte ay nagiisyu ng precautionary protective order. Bakit bukod tangi na ang PET ang magpa-file ng court order, eh pagka ganyan ay may unfairness na nangyayari”.
Nilinaw rin ng kampo ni Bongbong na hindi nila kailanman iginigiit na dalhin sa tribunal ang mga vote counting machines na ngayon ay nasa kustodiya ng Comelec.
Aniya, hindi nila kailangan ng mga makina dahil ang tanging magiging batayan ng resulta ng kanilang electoral protest ay magmumula pa rin sa balota.