MOU para sa proyektong “prepared and resilient communities” sa Laos, nilagdaan ng Amerika at Laos PDR

 

Nilagdaan at sinaksihan ni US Ambassador Rena Bitter ang signing of memorandum of understanding sa pagitan ng Laos at Amerika para sa ganap na implementasyon ng proyektong ito na “Prepared and Resilient Communities” in Lao PDR.

Inaayos na ng pamahalaan ng Laos ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Amerika para mapaghandaan at matugunan ang suliranin ukol sa man-made at natural disaster na maaari pang kaharapin sa hinaharap na panahon.

Layunin ng programang ito na mapataas pa ang kabatiran at uri ng pagtugon at mataas na kalidad ng training sa pagsagip sa mga tao, sa mga komunidad na madalas makaranas ng mga kalamidad lalu na ang mga madalas magkaroon ng mga pagbaha at ang paglalagay at pagtatayo ng mga temporary shelter sa mga evacuees.

Kabilang sa mga implementing partner ng bansang Laos at Amerika ay ang Asia Foundation and Luminous action organization sa nasabing bansa.

Naglaan na rin ng pondo ang Amerika o US Aid para sa proyektong ito ng dalawang bansa.

 

Ulat ni Jet Hilario

 

=== end ===

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *