Mount Merapi sa Indonesia, pumutok
JAKARTA, Indonesia (AFP) – Pumutok na ang Mount Merapi, ang pinaka aktibong bulkan sa Indonesia.
Nalambungan ng abo ang mga lokal na komunidad, na ibinuga ng bulkan na umabot sa layong 3.5 kilometro (2 milya).
Wala namang ipinag-utos na paglikas o mga ulat tungkol sa casualties.
Partikular na naging aktibo ang bulkang Merapi na malapit sa Yogyakarta sa isla ng Java nitong nagdaang mga buwan, at noong isang taon ay itinaas ng mga awtoridad ang danger level nito.
Ayon sa geological agency ng Indonesia, pinayuhan nila ang mga mamamayan na iwasan ang lugar na sakop ng five-kilometers radius, dahil sa volcanic ash at posibleng pagdaloy ng lava sa lugar na nasa paligid ng Merapi.
Noong 2010, higit 300 katao ang namatay at nasa 280-libo naman ang lumikas nang pumutok ang bulkang Merapi.
Ang Indonesia ay mayroong halos 130 aktibong mga bulkan.
Agence France-Presse